Hindi ako GMA7 basher. Sa totoo lang, lumaki ako sa Channel 7. Kaso, hindi ko talaga maintindihan kung anong katangahan ang umiiral sa teleserye nila ngayon.
Naimbiyerna ako ng fatale sa episode ng Joaquin Bordado kung saan pinatay niya ang kanyang anak na si Jimboy bilang alay. Tapos, malaman mo hindi tinanggap ang alay dahil "hindi bukal sa puso ni Joaquin ang pag-aalay". Isang malaking PUTANGINA. Saang lupalop ba ng bobo-landia nanggaling yung nagsulat nun? Hindi ba niya alam ang konsepto ng pag-aalay? Kung si Abraham na pumayag pa lang ialay ang anak niyang si Isaac e kinalugdan na ng Diyos, pano pa yung si Joaquin na kinuha talaga ang buhay ng sarili niyang anak? Keber kung hindi relihiyiso yung writer, kasi hindi rin naman ako relihiyoso. Pero bilang literatura, tama yung paglalahad sa konsepto ng pag-aalay. Napakasimple. Kaya naman hindi ko maintindihan kung pano pa nagkamali yung writer. Ang taeng plot twist, ate. Hindi gumana. Isang malaking ACHECHE.
Kung tutuusin mali na nga yung pagdedepict ng pagpatay sa mga bata e. Traumatic yun sa mga ibang batang makakapanood. Alalahanin naman nilang PG lang sila, hindi R. Por mio. Ibang lebel to ng barubalan.
Tapos sa ending, binuhay ulit si Jimboy. Verigud. Iba na namang lebel ng kacheapan. Palibhasa hindi majustify in the first place ang pagpatay sa bata. Pordat bawiin daw.
Tapos yung episode ng Dyesebel, kung saan nakita na ni Fredo si Dyesebel bilang sirena. Tapos mandiri daw ba. Parang nakalimutan niyang yung fezlang yun yung forever niyang kinahuhumalingan. Tapos dear, kahit sinong makakita ng sirena, hindi mandidiri. Magugulat. Mamamangha. Matatakot.
"Dyesebel? Isa kang sirena? Nakakadiri ka! Nakakadiri ka!"
Omaygad! Like, inantay talaga ni Fredo ang eksenang iyon para idura ang taeng linyang ito. Isang apurahang linya lang para magsink-in na sirena ang Isabel na nagustuhan niya dahil sa personality, kahit may something sa mukha nito. Tapos neverending echo na ng "nakakadiri ka". So much for personality, no?
Alam ko, mahirap mangharag ng utak sa pagsusulat ng 5 episodes per week. Pero naman kasi, dapat tapos na ang script bago pa man magsimula ang shooting, di ba? Ok fine, anjan na tayo, kelangang ilabas kahit half-done lang. Pero please lang naman, wag naman isacrifice ang sensibilities ng mga istorya. Kasi mapagbibigyan yung inapurang special effects. Yung isang take lang kahit may sablay. Yung mali-maling continuity. Pero anlaking kahihiyan yung palpak na istorya. Kasi kitang-kita yung kabobohan.